Add parallel Print Page Options

24 At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.

25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban (A)sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at (B)kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay (C)hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

26 Nguni't ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas.

Read full chapter